Ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng bawat nilalang, kung wala nito,
imposibleng may mabuhay sa mundo. Sa katunayan, 8 hanggang 10 araw
lamang tatagal ang isang tao na walang iniinom na tubig, matapos ang mga
araw na iyon, tiyak na mamamatay. Kaya naman, laging pinapaalalasa atin
ng mga matatanda at mga alagad ng kalusugan na kailangang uminom ng
walong baso ng tubig sa bawat araw.
Ano ang kahalagahan ng pag-inom ng tubig?
Ang paalalang uminom ng 8 baso ng tubig araw-araw ay may basehan at
may magandang maidudulot sa ating kalusugan. Kabilang dito ang
sumusunod:
1. Pagmementena ng mga likido sa katawan.
Maraming paggana sa katawan ang nangangailangan ng tubig, kabilang na
ang pagtunaw ng mga kinain, pagsipsip ng mga sustansya, sirkulasyon ng
dugo, at maging sa pagmementena ng temperatura ng katawan. Kung
tutuosin, 60 porsyento ng katawan ay binubuo ng tubig.
Ang tubig na iniinom ay regular ding nailalabas sa pamamagitan ng
pag-ihi, paghinga, at pagpapawis. Kung kaya, dapat ay mapalitan ang mga
ito sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na damit ng tubig.
2. Pagkontrol ng calories sa katawan
Ang pag-inom ng tubig ay makatutulong din sa pagkontrol ng calories
sa katawan. Matagal nang istratehiya ng mga nagnanais na pumayat ang
madalas na pag-inom ng tubig upang makaiwas sa karagdagang calories na
maaaring makuha sa mga pagkain mabilis silang nabubusog. Bukod pa rito,
ang tubig mismo ay walang calories ‘di tulad ng ibang inumin gaya ng
softdrinks at mga juice. Alamin ang iba’t ibang paraan ng pag-iwas sa
pagtaas ng calories sa katawan:
3. Karagdagang lakas sa mga kalamnan
Malaki rin ang papel ng tubig sa pagmementena ng maayos na paggana ng
mga kalamnan o muscles. Kinakailangan ang balanse ng tubig at
electrolytes sa mga muscle cells upang mas tumagal ang mga ito sa
pagtatrabaho. Kung Magkukulang sa tubig, ang mga muscle cells ay mas
mabilis na mapapagod. Ang pag-inom ng tubig ay lalong mahalaga sapagkat
tuloy-tuloy ang pagkawala ng tubig sa katawan kapag nagpapawis sa
pagkilos.
4. Pagpapaganda ng kutis ng balat
Ang balat ang pangunahing depensa ng katawan sa lahat ng bagay na
maaaring makasama sa ating kalusugan, kaya’t mahalaga rin na mapanatili
ang kalusugan nito. Sa tulong ng pag-inom ng sapat na dami ng tubig, ang
balat ay napapanatiling malusog. Maiiwasan ang pangungulubot ng balat
at pati na ang panunuyo nito. Alamin ang iba pang paraan ng
pagpapanatili ng kalusugan ng balat:
5. Pagsasaayos ng paggana ng mga bato
Isa sa mahahalagang papel ng mga bato o kidney ay ang pagsasala nito
sa mga likido sa katawan, at malaki ang ginagampanan ng tubig sa
prosesong ito. Ang mga substansya na hindi na kailangan ng katawan
(waste products) sumasama sa sirkulasyon ng dugo na sinasala naman ng
mga bato. Ang mga nasalang substansya mailalabas naman sa katawan sa
pamamagitan ng ihi. Basahin ang iba pang mga paraan ng pangangalaga sa
kalusugan ng bato o kidney:
6. Pagpapabuti ng pagdumi
Siyempre pa, kailangan din ng tubig sa pagpapabuti ng paglabas ng
dumi sa katawan. Kinakailangan ang tubig upang maiwasan ang pagtigas ng
dumi na nagreresulta naman sa hirap sa pagdumi o pagtitibi
(constipation). Alamin ang kahalagahan ng pagdumi sa buhay ng tao:
No comments:
Post a Comment